-- Advertisements --

Nagbabala ang United Nations (UN) sa mga bansang sa Southeast Asia hinggil sa posibleng kahinatnan ng patuloy na pagtapon ng mga ito ng basura, lalo na ng plastic sa karagatan.

Lumabas kasi sa 89-pahinang report ng UN Environment Programme (UNEP) na kabilang ang Timog-Silangang Asya sa mga tinaguriang “World’s Worst Ocean Polluters.”

Pinaka-contributor umano ng basurang plastic sa mga karagatan ang Indonesia, Vietnam, Thailand at Pilipinas. Kasama na rin ang China na sinasabing top single polluter.

“Southeast Asia is a primary source and victim of plastic, where it is choking seas and threatening ecosystems and livelihoods. If we want to solve the marine litter problem globally, we have to solve it in this region,” ani UNEP regional director Kakuko Nagatani-Yoshida.

Batay sa datos ng UNEP, umaabot sa 8-million toneladang plastic ang itinatapon sa karagatan sa buong mundo kada taon.

Nagiging sanhi umano ito ng pagkamatay ng ilang hayop sa dagat, na nakakaapekto rin sa supply ng pagkain ng mga tao.

Ayon sa UNEP, dapat bumuo ng region-wide na polisya ang mga bansa Southeast Asia para maging mahigpit sa paggamit ng plastic packaging.(Reuters)