Nirebisa ng United Nation ang naunang bilang ng nasawi mula sa malawakang pagbaha sa Libya.
Batay sa revised report mula sa United Nations Office for the Coordination of Humanitarian Affairs (OCHA), nasa 3,958 katao ang nasawi sa buong Libya dahil sa pabaha base na rin sa record ng UN World Health Organization.
Sa nasabing report, mahigit 9,000 katao ang kasalukuyang nawawala.
Una ng inisyal na napaulat noong nakaraang linggo na nasa 11,300 katao na ang namatay sa Derna, Libya dahil sa mapaminsalang baha.
Ipinaliwanag ni Deputy Spokesman for the UN Secretary-General Farhan Haq, kanilan sinusunod ang datos na naberipika na ng WHO.
Ipinaliwanag din nito na kanilang sinusunod ang standard procedure kasama ang iba’t ibang partido upang matiyak na na-cross checked ang bilang ng mga biktima.
Matatandaan na ang Derna na mayroong 100,000 populasyon ang episentro ng malawakang baha sa kasagsagan ng pananalasa ng Storm Daniel.