Mahigpit na nagbabala ang United Nations matapos ang air strike sa isang residential area na ikinamatay ng humigit-kumulang dalawang dosenang sibilyan.
Nasa bingit kasi ng isang “full-scale civil war” ang Sudan na napinsala ng kaguluhan na maaaring magpahina sa buong rehiyon.
Iniulat ng health ministry ang 22 napatay at malaking bilang ng mga sugatan sa mga sibilyan mula sa air strike sa kalapitna lungsod ng Khartoum na Omdurman, sa distrito ng Dar al-Salam.
Matapos ang halos tatlong buwang digmaan sa pagitan ng mga karibal na heneral ng Sudan, ang air strike ang pinakabagong insidente sa nasabing lugar.
Humigit-kumulang 3,000 katao ang napatay sa labanan, habang ang mga nakaligtas ay nag-ulat ng isang karahasan at ang mga saksi ay nagsalita tungkol sa ethnically targeted killings.
Nagkaroon ng malawakang pagnanakaw kaya naman nagbabala ang UN sa mga posibleng krimen laban sa sangkatauhan sa kanlurang rehiyon ng Darfur.
Halos tatlong milyong tao ang naapektuhan ng labanan ng Sudan, kabilang na ang halos 700,000 na lumikas sa mga kalapit na bansa, ayon sa International Organization for Migration.