-- Advertisements --
Nababahala ang United Nations sa ipinataw na parusang kamatayan sa sa tatlong dayuhan na naaresto ng Russian forces sa Donetsk.
Ayon kay UN Human Rights spokesperson Ravina Shamdasani, na ang kanilang ikinakabahala ay hindi kinikilala ng mundo ang supreme court o self-proclaimed ‘Donetsk People’s Republic”.
Dagdag pa nito na mula pa noong 2015 ay napatunayan ng UN na hindi patas ang kanilang ginagawang pagdinig sa mga kaso gaya ng pagsasagawa ng public hearing at ang pagkakaroon ng independence at impartiality ng kanilang korte.
Magugunitang hinatulan ng pro-Russian court sa Donetsk People’s Republic sina Moroccan citizen Brahim Saadoune at British citizens na sina Aiden Aslin at Shaun Pinner na inakusahan bilang mga mercenaries ng Ukraine.










