-- Advertisements --
Nangangamba ang United Nations sa paglala ng food crisis sa Sri Lanka.
Kasunod ito ng umabot na sa 3.4 katao doon ang nangangailangan ng tulong.
Base sa estimate ng UN na noong Hunyo ay mayroong 1.7 milyon sa kabuuang 22 milyon na populasyon ng Sri Lanka ang nangangailangan ng tulong.
Nakalikom na ang UN ng $79 milyon para mapakain sa mga nagugutom doon at dahil sa tumataas ang bilang ng nagugutom ay kailangan ang dagdag na $70 milyon.
Mula ng mahiwalay sa Britanya noong 1948 ang Sri Lanka ay nahaharap na ito sa matinding economic crisis at nakakaranas ng inflation, power blackouts at pagrarasyon ng langis mula pa noong nakaraang taon.