-- Advertisements --
Kinondina ni United Nations Secretary-General Antonio Guterres ang nangyaring pagkasawi ng mahigit 100 katao sa northern Gaza habang sila ay nakapila sa food trucks.
Sinabi ni UN spokesperson Stephane Dujaric na nakakalungkot ang nasabing insindente.
Nanawagan ito sa Israel na tigilan na ang military operations sa Gaza dahil sa dumarami na ang mga nadadamay na sibilyan.
Magugunitang pinagbabaril ng Israel Defense Forces ang mga Palestino na papalapit sa truck na may pagkain kung saan inakala nilang sila ay kanilang inaatake.