-- Advertisements --

Kinondina ng United Nations ang pagpapakasal sa mga minor de edad sa Zimbabwe.

Kasunod ito sa pagkasawi ng 14-anyos na dalagita matapos na manganak na nagdulot ng kaguluhan sa mga mamamayan at mga right activists.

Kaugalian na kasi sa apostolic churches sa Zimbabwe ang pagpapakasal sa mga menor de edad at ang polygamy.

Ayon sa UN nakakalungkot ang nasabing balita dahil sa nagaganap na sexual violations sa mga under-age na mga kababaihan kabilang na dito ang force child marriage.

Base sa pagtaya nila na isa sa tatlong kababaihan ang ikinakasal bago pa lamang mag-18-anyos.