-- Advertisements --
Inakusahan ng United Nations ang Israel na sinasadya nito na magpalaganap ng kagutuman sa Gaza na nagresulta sa pagkasawi ng ilang daang mga bata.
Bukod pa dito sinabi ng UN Office of the High Commissioner for Human Rights (OHCHR) na marming mga residente na ang sapilitang pinalayas at nawalan ng tirahan dahil sa pinaigting na military operations ng Israel.
Habang pinapalikas ang mga residente ay hindi naman tumitigil ang Israel sa pag-atake sa Gaza.
Muli silang nanawagan sa Israel na dapat tiyakin ang kaligtasan ng mga sibilyan na nasa Gaza.