-- Advertisements --
Ikinabahala ng United Nations High Commissioner for Human Rights (UNCHR) ang pag-aresto sa mga anti-war protesters sa Russia.
Sinabi United Nations High Commissioner for Human Rights Michelle Bachelet, na isang paglabag sa rights to freedom of expression ang isinagawang pag-aresto ng mga opisyal ng Russia.
Pinuna din nito ang tila pagpapakalat ng Russia ng mga maling impormasyon para sa sariling interest lamang nito.
Magugunitang ilang libong katao sa Russia ang inaresto ng mga otoridad dahil sa pagsagawa ng kilos protesta na tumutuligsa sa paglusob ng Russia sa Ukraine.