-- Advertisements --

Inihahanda na ng fact-finding team ng United Nation para imbestigahan ang prison attack sa Olenivka, Ukraine.

Sinabi ni UN spokesman Stephane Dujarric , na makakasama nila sa pag-iimbestiga ang isang diplomat s Iceland at police official mula sa Niger.

Mangangalap sila ng impormasyon at kanilang ipapasa ito sa UN Secretary-General.

Magugunitang nasa 50 preso ang nasawi matapos ang rocket attack ng russia.

Ang nasabing pasilidad ay doon inilalagay ang mga sumusukong sundalo ng Ukraine.