-- Advertisements --
Ibinabala ng United Nations na makakaranas ng matinding epekto ng El Niño ang maraming bansa.
Ayon sa World Meteorological Organization, na mas magiging malakas ang El Niño sa natitirang bahagi ng taon.
Magdudulot ito ng mas matinding init ng panahon sa buong mundo.
Itinuturing din ng mga eksperto na ito ay maging “super” El Niño.
Patuloy ang ginagawang pagbabantay ng mga eksperto sa kondisyon sa mga rehiyon sa central Pacific.
Nabubuo ang El Niño kapag nagkaroon ng pagbabago sa daloy ng hangin kung saan dumadaan ang mas mainit na tubig na kumalat sa tropical Pacific Ocean.
















