-- Advertisements --

Patuloy ang pagsasagawa ng war crimes ng Russia sa Ukraine.

Ayon sa United Nations Human Rights Council, na ang mga atake ay kinabibilangan ng hindi makatarungang paggamit ng bomba kung saan maraming mga sibilyan ang nasugatan at ang mga pag-atake rin sa energy facilities.

Dagdag pa ng kanilang independent international Commission of Inquiry sa Ukraine na may mga dokumento silang nagpapatunay sa mga pag-atake ng Russia sa mga gusali sa Ukraine.

Iniimbestigahan na rin nila ang pagkasira ng Nova Kakhovka dam noong Nobyembre.