-- Advertisements --

Hinikayat ni United Nations Secretary-General António Guterres ang magkabilang panig sa Russia na maging responsable sa kanilang galaw at iwasan ang anumang tension.

Kasunod ito sa paglunsad ng rebelyon ng mercenary group laban sa gobyerno ni Russian President Vladimir Putin.

Tiniyak naman ng China na suportado nito ang Russia sa pagprotekta ng kaayusan sa kanilang bansa.

Itinuring naman ni US Secretary of State Antony Blinken na ang pangyayari sa Russia sa kasalukuyan ay nagpapakita na hindi buo ang mga military forces ng nabanggit na bansa.

Nagkausap naman sa telepono sina US President Joe Biden at Ukrainian President Volodymyr Zelensky kung saan tinalakay nila ang mga nagaganap sa Russia.

Nagtungo na sa Belarus Wagner mercenary group na pinamumunuan ni Yevgeny Prigozhin para maiwasan sila ay makasuhan kung saan ang nasabing hakbang ay isinaayos ni Belarus President Alexander Lukashenko.