-- Advertisements --

Muling nanawagan si United Nation Secretary General Antonio Gutteres na permanenteng tigil putukan sa pagitan ng Hamas at Israel.

Sinabi nito na ang ginawang pag-atake ng Hamas ay hindi mairarason ang matinding pagpaparusa ng Israel sa mga mamamayan ng Palestine.

Ang mga tao aniya sa Gaza ay basta na lamang pinalikas ng walang anumang kaalaman sa survival at walang lugar na rin aniya sa Gaza ang ligtas.

Maraming mga magkakamag-anak ang wala ng matulugan at sila ay natutulog sa mga kalsada.

Hindi rin sapat ang mga pagkain kaya karamihan sa mga tao sa Gaza ay nakakaranas ng matinding taggutom.