Itinuturing na ng United Nations ang coronavirus bilang “worst global crisis” mula noong panahon ng World War II dahil sa malawakang epekto nito sa buong mundo.
Ayon kay UN secretery-general Antonio Guterres, nakakabahala ang posibleng gulo na maging epekto ng pandemic virus sa pagitan ng bawat bansa.
“A disease that represents a threat to everybody in the world and… an economic impact that will bring a recession that probably has no parallel in the recent past,” ayon sa opisyal.
“The combination of the two facts and the risk that it contributes to enhanced instability, enhanced unrest, and enhanced conflict are things that make us believe that this is the most challenging crisis we have faced since the Second World War,” dagdag nito.
Para kay Guterres, masosolusyunan lang ang krisis kung matitigil ang pamumulitika at magkakaisa para sa kapakanan ng bawat tai.
Umabot na sa 40,000 ang bilang ng mga namatay sa buong mundo dahil sa COVID-19.
“We are far from having a global package to help the developing world to create the conditions both to suppress the disease and to address the dramatic consequences.”
“We are slowly moving in the right direction, but we need to speed up, and we need to do much more if we want to defeat the virus.”
Bumuo na ang UN ng bagong pondo para tulungan ang developing countries na umapela ng donasyon para sa mahihirap na bansa.
Bukod dito, sinabi ni Guterres na kailangan ding bumuo ng ” innovative financial instruments” para sa agarang responde ng developing countries sa krisis.(AFP)