-- Advertisements --
Kinondina ng United Nations at European Union ang desisyon ng Twitter na suspendihin ang ilang journalist na nagco-cover ng social media firm.
Ayon kay Melissa Fleming, under secretary general for global communications ng United Naitons, na hindi dapat paglaruan ang media freedom.
Nagbanta naman si EU commissioner Vera Jourova na papatawan nila ang Twitter ng sanctions dahil sa kanilang ginagawa.
Paliwanag naman ng Twitter na ang pagbabawal ay may kinalaman sa live sharing ng kanilang location data.
Ilang mga malalaking media organizations sa US ang sinuspendi ng Twitter ang kanilang account dahil sa umanoy pag-track sa kinaroroonan ni Twitter CEO Elon Musk.
Magugunitang nabili ni Musk ang Twitter noong Oktubre sa halagang $44-B.










