Isinusulong ni ACT Teachers Rep. France Castro ang karagdagang suweldo sa hanay ng mga guro na hangad nitong maisama sa mga prayoridad na panukalang batas sa ika -19th Congress.
Sinabi ni Castro na napag-iwanan na ang suweldo ng mga guro kumpara sa mga nurse, pulis at militar pero tambak pa rin ang trabaho ng mga ito sa loob at labas ng kanilang mga klasrum.
Ayon kay Castro na masyadong maliit ang suweldo ng mga guro kumpara sa mga pulis at sundalo na itinaas ng nakalipas na administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa 50 % hanggang 100 %.
Sinabi ng mambabatas na House Bill 203 ay isang refiled bill na naglalayon para itaas ang sweldo ng mga guro na may teacher 1 positions mula sa salary grade 11 to 15.
“The latest adjustment of salaries through the Salary Standardization Law 5 by no means addressed the disparity between salaries of those in the low- and middle-level salary grades who comprise majority of the civil service–and those in the managerial levels and especially of top level officials”, ayon sa lady solon.
Inihayag ni Castro bilang mga education frontliners ay ang mga guro ang nagsisilbing “backbone ‘ sa pagpapatuloy ng edukasyon sa kabila ng 2 taong blended distance learning ng DepEd na konti lamang ang naging suporta mula sa gobyerno sa gitna na rin ng COVID 19 pandemic.
Ayon sa lady solon ang hinihiling lamang ng mga guro ay mabigyan sila ng suweldo na sapat para mapagkalooban nila ng disenteng pamumuhay ang kanilang mga pamilya.
“We also included the proposal to increase basic salaries of non-teaching personnel to P16,000. This amount was the result of past consultations and now discussions are ongoing to further raise this to P25,000 for other government employees,” wika ni Castro.
Inihayag pa ni Castro na dapat protektahan ng bagong administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong “ Marcos Jr. ang kapakanan ng mga guro.
“We strongly urge the incoming House Leadership to immediately hear and pass the bill upgrading the salary grade of teachers and increasing the salaries of non-teaching personnel. Similarly, we call on our fellow legislators in both houses of Congress to champion this cause,” ayon sa Kongresista.