-- Advertisements --
Tuloy-tuloy umano ang isinasagawa ng Department of Health (DoH) na imbestigasyon sa naging rebelasyon ni Pharmally Pharmaceutical Corp. executive Krizle Mago na pinapalitan nito ang production date ng face shields na ibinenta ng kumpanya sa pamahalaan.
Ayon kay DoH Sec. Francisco Duque III, ang tinutukoy na expiry date ay ang shelf life ng styropor component ng face shield.
Ayon sa kalihim tumatagal ng hanggang 36 months ang naturang medical face shield.
Lahat din aniya ng dalawang milyon na face shield na binili ng pamahalaan ay nagamit ng mga frontliners at walang nagreklamo o namatay dahil sa kalidad nito.
Kung maalala, pinahaharap sa Kamara ilang empleyado ng Pharmally Pharmaceutical sa kanilang hiwalay na pagdinig.