Tiniyak ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na paiimbestigahan ang report na umano’y pagkuha ng “local prostitutes†ng isang US submarine commander sa Subic Bay freeport habang bumibisita ang submarine crew sa Pilipinas noong nakaraang taon.
Partikular na aalamin ng kalihim kung mayroong mga local Department of National Defense (DND) personnel na may kinalaman sa naturang insidente.
Ito’y matapos lumabas ang ulat sa Estados Unidos ng pagkaka-relieve sa puwesto ni Capt. Travis Zettel, ang commander ng Los Angeles-Class attack submarine na USS Bremerton, dahil daw sa loss of confidence.
Kaugnay ito ng alegasyon ng ilang mga kasama ni Zettel na “nag-order†umano ang kapitan ng 10 babae na nakitang kasama nito sa kanilang hotel sa Subic noong bumisita sila sa Pilipinas.
Kung maaalala, dumating sa Subic ang USS Bremerton para sa isang port visit noong March 1, 2018 kabilang ang 150 crew members.
Ang USS Bremerton na kasalukuyang nakadaong sa Bremerton para sa de-commissioning, ang pinakamatandang submarine sa US Navy, na 37 taong na sa serbisyo.










