-- Advertisements --

Mariing pinabulaanan ni PhilHealth president Ricardo Morales na may utang sila sa UST Hospital na aabot ng hanggang P180 million.

Sa katunayan, sinabi ni Morales na nag-advance pa nga aniya sila nang bayad na nagkakahalaga ng P85 million para sa UST Hospital na gagamitin sa COVID-19 response ngayong taon.

Ayon kay Morales, ang naturang halaga ay bukod pa sa regular dues na kanilang binabayaran sa UST Hospital.

Sa katunayan, aabot na nga aniya sa P2.1 billiona ng binayad nila sa UST Hospital magmula noong 2015.

Noong 2019 lang, sinabi ni Morales na P300 million ang ibinayad nila sa naturang ospital kaya malabo aniya ang paratang na may P180 million silang utang dito.

Patuloy naman din aniyang nakikipag-ugnayan ang PhilHealth sa UST Hospital para ikumpara ang kanilang mga records.

Nauna nang sinabi ni UST Hospital medical director Dr. Marcellus Ramirez na may utang ang PhilHealth sa kanila na aabot sa mahigit P180 million.