Boluntaryong sumuko sa PNP ang isa pang drug lord na ka level ni Kerwin Espinosa kay PNP chief PDGen. Ronald Dela Rosa sa Kampo Crame.

Kinilala ni Dela Rosa ang umanoy druglord na si Lovely Impal Alam na inaalam pa ngayon ng mga awtoridad kung saan nag-ooperate sa bansa

Ayon kay PNP chief sumuko si Alam sa kaniya kaninang umaga at agad niyang inutos sa pamunuan ng PNP Anti-Illegal Drugs Group (AIDG) ang pag-iimbestiga kay Adam.

Si Alam kasi ay binanggit ni Kerwin na kaniyang pinagkukunan ng supply ng droga.

Sa ngayon ongoing pa ang interview kay Alam pero makakalaya din naman ito dahil walang kaso na isinampa laban sa kaniya.

-- Advertisement --

Aminado si Dela Rosa na wala pa siyang impormasyon patungkol kay Alam maliban sa pagkaka dawit sa kanya ni Kerwin Espinonsa sa operasyon ng iligal na droga.