Hindi mabubura sa pamamagitan ng isang resolusyon sa Kamara ang umanoy ng mga kasalanan o pananagutan ng nagdaang Duterte administration sa kontrobersiyal nitong war on drugs.
Ayon kay Albay Representative Edcel Lagman, hindi matatakpan ng mga kaalyado ni Duterte sa Kongreso ang umanoy “crimes against humanity” at dapat lang siya na papanagutin ng International Criminal Court.
Sabi ni Lagman, mahirap takpan ang datos na 6-thousand hanggang 30-thousand drug suspects ang umanoy napatay nang palakasin ang war on drugs ng Duterte administration.
Hindi kinontra ni Lagman ang pahayag na gumagana ang justice system sa Pilipinas pero ni isang kaso ay walang naisampa para mapanagot ang nagdaang administrasyon.
Naniniwala si Lagman na dahil posibleng katigan si Duterte ng ating justice system… ang ICC ang proper forum para dinggin ang naturang kaso.
Una rito, naghain ng resolusyon si House Senior Deputy Speaker Gloria Macapagal Arroyo na humihimuk sa buong Kamara na ipagtanggol si Duterte laban sa posibleng imbestigasyon dahil sa umanoy “crimes against humanity”.









