Nadagdagan pa ng isa ang bilang sa mga residente ng Batangas na nag-positibo sa coronavirus disease (COVID-19).
Sa inilabas na impormasyon ng Batangas Public Information Office, kinumpirma ng tanggapan na dalawa na ang total na bilang ng positive cases na parehong residente ng Batangas City.
Galing daw ang impormasyon sa city health officer ng lungsod na si Dr. Rosanna Barrion.
Batay sa ulat, naka-confine ang dalawa sa medical facilities sa Metro Manila.
Nitong umaga nang kumpirmahin ni Batangas Gov. Hermilando Mandanas ang unang kaso ng COVID-18 sa lalawigan. Ipinatupad na rin ng gobernador ang class suspension simula ngayong araw hanggang katapusan ng Marso.
Sa ngayon wala pang impormasyon ang Department of Health kung ang nasabing dalawa ay kabilang sa 52 reported cases.