-- Advertisements --
Lalo pang lumawak ang mga lugar na apektado ng low pressure area (LPA) sa silangan ng ating bansa.
Ayon sa Pagasa, kumalat pa ang ulap na dala ng LPA, makaraang bumaba ang direksyon nito.
Huling namataan ang namumuong sama ng panahon sa layong 115 km sa silangan ng Borongan City, Eastern Samar.
Sa ngayon, makapal na kaulapan ang namataan sa Southern Luzon at Eastern Visayas.
Kaya lantad dito sa mga pagbaha at pagguho ng lupa.
Umiiral din ang tail-end ng frontal system (Shear Line) na naghahatid ng hiwalay na mga pag-ulan sa eastern section ng Southern Luzon.
Maliban dito, lumalakas din ang hanging amihan na naghahatid ng malamig na hangin sa malaking parte ng Luzon at pag-ulan sa northern at eastern section ng Luzon.















