-- Advertisements --
Ipinagmalaki ng Ukraine ang matagumpay na pagkasira sa Russian kilo-class submarie gamit ang kanilang underwater drone sa Black Sea.
Nakadaong ang submarine sa Black Sea port malapit sa Novorossiysk City at may karga pa itong apat na Kalibr cruise missiles.
Una rito ay pinapaigting ng Ukraine ang kanilang gamit militar para malabanan ang anumang pag-atake ng Russia.
Patuloy din ang ginagawang paghingi ng Ukraine sa mga kaalyadong bansa nito na bigyan sila ng tulong militar para malabanan ang pag-atake ng Russia.
















