-- Advertisements --
Nasa Paris na ngayong si Ukrainian President Volodymyr Zelensky para makipagpulong kina French President Emmanuel Macron at German Chancellor Olaf Scholz.
Paglapag ng kaniyang eroplano sa Orly Airport sa Paris ay sinalubong siya ni French defense minister Sébastien Lecornu.
Agad na pinasalamatan ni Zelensky sina Macron at Scholz dahil sa mga suportang ibinigay nila.
Iginiit nina Macron at Scholz na hindi sila titigil sa pagbibigay ng tulong sa Ukraine para tuluyang mapalayas ang mga Russian Forces.










