-- Advertisements --

Naghahanda na ang Ukrainian government para sa ikalawang yugto ng evacuation mission mula Azovstal.

Sinabi ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky na kanilang prioridad na ilikas ay ang mga nasugatang indibidwal at mga medics.

Dagdag pa nito na kahit na mahirap ay mahalaga ang nasabing paglilikas din ng mga sundalo.

Itinuturing pa nito na mga bayani ang mga sundalo na nagtanggol sa Mariupol.

Pinasalamatan ng Ukrainian President ang International Red Cross at United Nations dahil sa pagtulong sa kanilang mamamayan.