-- Advertisements --
Nabawi ng mga sundalo ng Ukraine ang mahigit 30 mga bayan sa Kyiv region.
Sinabi ni presidential adviser Oleksiy Arestovych, na nagkaroon pa ng mga matitinding labanan sa nasabing sa lugar bago tuluyang mabawi nila ang iba’t-ibang bayan.
Iginiit pa nito na hindi dapat magpakampante dahil sa patuloy ang mga nagaganap na labanan.
Magugunitang inanunsiyo ng Russia na itutuon na lamang nila ang kanilang atensiyon sa pagpapalaya ng Donbas region sa eastern Ukraine.