-- Advertisements --

Bumuhos ang pakikiramay mula sa boxing community matapos na malamang nasawi si two-time boxer ng Ukraine na si Oleg Prudky.

Nasawi ang 30-anyos na boksingero dahil sa pakikipaglaban ng lusubin ng Russia ang kanilang bansang Ukraine.

Nakilala siya sa World Series of Boxing competitions noong 2015 kung saan pinapayan ang mga amateur boxers na makilahok professionally habang pinapanatili ang amateur status.

Isa si Oleg sa apat na miyembro ng Cherkasy Police troops na napatay sa pag-aatake ng Russian forces.

Labis na nalungkot ang Cherkasy boxing association maging ang Urkrainian Boxing Federation.