Posibleng talakayin sa pulong sa pagitan nina Chinese President Xi Jinping at Russian President Vladimir Putin ang giyera sa Ukraine.
Napaulat na nakadepende ang Russia sa exports ng China gaya ng dual-use items at drone components, para masustine ang kanilang military operations sa Ukraine.
Bagamat nananatiling “neutral” ang China sa giyera sa pagitan ng Russia at Ukraine, at nananawagan din ito ng mapayapang pagresolba sa digmaan sa pamamagitan ng dayalogo.
Subalit, binatikos din ng China ang pagpataw ng Western sanctions laban sa Russia na tinawag nitong iligal at hindi makatarungan.
Maliban sa usapin sa giyera sa Ukraine, ilan pa sa mahahalagang isyung posibleng talakayin ng dalawang lider ang pagpapalalim pa ng trade relations sa pagitan ng dalawang bansa. Pangunahin dito ang massive energy supplies ng Russia kabilang ang oil at gas sa gitna ng krisis sa Strait of Hormuz.
Ito naman na ang ika-25 official visit ng Russian President sa China, ang kaniyang unang foreign visit ngayong taon.
Ang summit naman sa pagitan nina Xi at Putin ay ilang araw lamang matapos ang pagbisita ni US President Donald Trump sa China.
















