-- Advertisements --

Tinawag ng Ukraine na isang uri ng pag-blackmail ang naging pahayag ng Russia na kanilang papayagang makadaan ang mga pananim at produkto ng Ukraine sa mga daungan basta tanggalin na ang sanctions na ipinataw sa kanila.

Ayon kay Ukrainian Foreign Minister Dmytro Kuleba, na isang malinaw na blackmail ang nasabing kondisyon na inilatag ng Russia.

Nagbabala din ito na kapag ipinagpatuloy ng Russia ang pagharang sa mga daungan ng kanilang iniaangkat na mga pananim ay magkakaroon ng krisis sa pagkain.

Itinuring kasi na pang-apat ang Ukraine na umaangkat ng mga trigo at mais ganun ang ilang mga agricultural products.