Nakipagpulong si Ukrainian President Volodymyr Zelenskyy kay Saudi Arabian Crown Prince Mohammed bin Salman para pag-usapan kung paano wawakasan ang giyera sa pagitan ng Ukraine at Russia.
Sa isang pahayag, nagpasalamat si Zelenskyy kay Bin Salman sa pagiging mediator nito at sa pagtulong sa kaniya para makabuo ng plano upang mawakasan na ang digmaan.
Pinagtibay din ni Bin Salman ang suporta nito sa lahat ng international endeavours at efforts para maresolba na ang krisis ng dalawang bansa.
Patuloy rin ang pakikipagtulungan ng Ukraine sa Saudi Arabia para makabuo ng peace formula nang sa gayon ay matapos na ang full-scale invasion.
Inaasahan na magiging mediator ang Saudi Arabia dahil nakipagpulong din si Bin Salmat kay Russian State Duma Speaker Vyacheslav Volodin. Ayon sa ulat, pinag-usapan ng dalawa ang pagpapalakas ng parliamentary cooperation at developments of common concern.