-- Advertisements --

Muling umapela si Ukraine President Volodomyr Zelensky sa Western allies nito ng modern air defense system matapos ang missile attack ng Russian forces target ang Khmelnytskyi region ng western Ukraine.

Ayon kay Zelensky hindi tumitigil ang Russian army at mayroong iisang layunin ang kumitil ng buhay ng mga tao at para takutin ang mga tao.

Ilan sa mga missile attack ng Russian forces ay na-shot down ng air defense forces ng Ukraine at walang patid din ang kanilang diplomatic activity sa loob ng isang araw upang makakuha ng modern anti-missile systems para sa pagdepensa sa kanilang bansa.

Ayon sa head ng Khmelnytskyi region military administration, Serhii Hamalii,apat na missiles ang tumama sa kanilang teritoryo isa dito ay na-intercept ng air defense ng Ukraine kung saan nahulog ang mga debris sa Shepetiv district at sa iba pang civilian infrastructure.

Target umano ng Russia ang isang water tower na nagsusuplay ng tubig sa komunidad na nagresulta ng injury sa isang indibidwal.