-- Advertisements --
Personal na binisita ni Ukraine President Volodymyr Zelensky ang kalapit na bansang Poland.
Nagpirmahan sila ng bilateral agreement kasama si Polish President Andrzej Duda.
Matapos ang ginawang pagpupulong ay ginawaran ni Duda si Zelensky ng Order of White Eagle sa isang seremonya sa presidential palace sa Warsaw.
Ang Order of the White Eagle ay pinakaluma at pinakamataas na polish award na ibinibigay sa mga kakaibang indibidwal.
Pinasalamatan naman ng Ukrainian President si Duda dahil sila ang naging kaalyado nila mula pa noong atakihin sila ng Russia.