-- Advertisements --

Binigyan ng standing ovation ng mga dumalo sa United Nations General Assembly sa New York si Ukrainian President Volodymyr Zelensky.

Sa kaniyang video message sa United Nations, nanawagan ito sa mga bansa na dapat patawan ng parusa ang Russia dahil sa ginawa nilang paglusob sa Ukraine.

Ang mga ginawa aniya ng Russia na kumitil sa maraming buhay ng Ukraine ay nararapat na mabigyan ng karampatang parusa.

Iginiit nito na ang Ukraine at maraming mga bansa ang nagnanais ng kapayapaan.

Tanging ang Russia lamang umano ang nasisiyahan sa ginagawang paglusob nito sa Ukraine.