Nagpatawag ngayong araw si Ukraine President Volodomyr Zelensky ng emergency top-level meeting kung saan inaasahnag gagawa ng fundamental decisions kaugnay sa plano ng Russia na gawing annex ang apat pang rehiyon sa Ukraine.
Ayon kasi sa kremlin, sinabi ni President Vladimir Putin na lalagdaan nito ang mga dokumento na nagdedeklara sa annexation ng Moscow ng mga rehiyon sa Ukraine kabilang ang Zaporizhzhia at Kherson at kinikilala ng Russia ang independensiya ng dalawa pang mga rehiyon sa southern ukraine at inihahanda ang annex sa Donetsk at Lugansk sa katapusan ng Pebrero.
Tinawag naman ito ng Kyiv at West na “sham referendums”.
Sinabi ni Zelensky na nakatkadang magkita ngayong araw ang kanilang national secuirty at defense council, commander-in-chief of the armed forces, defence, foreign at prime ministers, at ang head ng Ukrainian Security Service