-- Advertisements --

Pinasalamatan ni Ukrainian Prime Minister Denys Shmyhal ang US dahil sa mga military support na ibinibigay mula ng lusubin sila ng Russia.

Sa kaniyang ginawang pagbisita sa White House ay nakipagpulong ito kay US Secretary of Defense Lloyd Austin.

Hiniling nito sa US na dapat ay mabigyan pa sila ng mas maraming armas para tuluyang mapalayas ang Russia.

Magugunitang bukod sa tulong pinansiyal ay nagpadala na rin ang US ng kanilang tangkeng pandigma sa Ukraine.