Nagpasaklolo na ang Ukrainian president’s chief of staff, Andriy Yermak sa Red cross na magsagawa ng isang mission sa notorious prison camp na Olenivka prison sa Donetsk na okupado ng Russia sa loob ng tatlong araw.
Inihayag nito na dapat walang masayang na oras dahil buhay na ng mga tao ang nakasalalay dito.
Kabilang sa mga nakakulong kasi sa naturang prison site ay ang miyembro ng Azov Batallion na siyang mga huling defenders ng kabisera ng Mariupol at itinuturong ng Russia na neo-Nazis at war criminals.
Noong nakalipas na buwan una ng sinubukan ng Red Cross na makapasok sa naturang camp subalit hindi sila pinahintulutang makapasok ng Russian authorities.
Ang Olenivka perison ay nasa ilalim ng kontrol ng Russian-backed authorities sa Donetsk mula pa noong taong 2014 at ang kalagayan ng mga nakakulong sa lugar ay extremely poor o kalunus-lunos ang kanilang kalagayan.