-- Advertisements --
image 506

Handa ang Gobyerno ng Ukraine na ibahagi ang mga karanasan ng mga sundalo nito sa Armed Forces of the Philippines at talakayin ang pagtatatag ng military exchange program.

Naniniwala ang ChargĂ© d’affaires ng Ukraine sa Malaysia na si Denys Mykhailiuk, na may hurisdiksyon din sa Pilipinas, na maaaring interesado ang gobyerno ng Pilipinas na malaman kung paano ipinagtanggol ng Ukraine ang kanilang mga karapatan laban sa pananakop ng mas malaki at mas makapangyarihang bansa tulad ng Russia.

Gayunpaman, iginiit ng Ukranian official na hindi hinihikayat ng kanilang gobyerno ang Pilipinas na makipagdigma.

Sa halip, dapat aniyang maging handa ang Pilipinas sa anumang senaryo, lalo pa’t may mga bahagi ng Philippine Exclusive Economic Zone na inaangkin ng mas malaki at mas makapangyarihang bansa.