-- Advertisements --
Ipinagmalaki ng Ukraine na kanilang nabawi ang mahigit 1,000 sq. km. ng territory na nakubkob ng Russia sa south at eastern Ukraine.
Ayon kay President Volodymyr Zelensky na isa lamang ito ng resulta ng ilunsad ang counteroffensive na nagsimula noong Setyembre 1.
Nasa mahigit 20 mga lugar sa Kharkiv region ang muli nilang nabawi.
Dagdag pa nito na maraming mga lugar rin sa Kyiv ang kanilang nabawi.
Itinanggi naman ng Russia ang alegasyon na ito ng Ukraine kung saan sinabi nila na nasa kontrol pa rin nila ang malaking bahagi ng Ukraine.