-- Advertisements --
Tuluyan ng nabawi ng Ukraine ang Kherson mula sa kamay ng Russia.
Ikinabit ng mga sundalo ng Ukraine ang kanilang watawat sa iba’t-ibang bahagi ng Kherson bilang simbolo ng pagbawi nila ng nasabing lugar.
Sinabi ni Yuriy Sak ang adviser sa defence ministry ng Ukraine na halos nasa full control na nila ang nasabing lugar.
Sinalubong ng mga residente at naghiyawan ang mga ito ng makita ang papasok na mga sundalo sa lugar.
Pinayuhan din nito ang mga naiwang sundalo ng Russia sa lugar na sumuko na.
May ilang sundalo kasi ng Russia ang ibinasura ang kanilang uniporme at nakihalo sa mga mamamayan ng Ukraine.