Minaliit lamang ng Ukraine ang naging banta ng Russia.
May kaugnayan ito sa panawagan ni Russian President Vladimir Putin sa mga kasundaluhan at mga reservist na paigtingin ang puwersa sa Ukraine.
Sinabi ni Ukrainian Foreign Minister Dmytro Kuleba na ang nasabing hakbang aniya ay tila inilalagay ni Putin sa apoy ang kaniyang mga tauhan.
Dagdag pa nito na tila hindi na nirerespeto ni Putin ang mga bansang gaya ng India, China, Mexico, Turkey, Asian, African, Middle Eastern, Latin American nation na nanawagan ng diplomas.
Nanawagan rin si Ukrainian presidential adviser Mykhailo Podolyak na dapat gumawa ng hakbang mga western countries sa nasabing banta ni Putin.
Umapela din ito ng dagdag na mga armas militar para malabanan ang Russia.
Magugunitang nananawagan si Putin ng dagdag na 300,000 na sundalo na ipapadala sa Ukraine.