Inihayag ni Ukraine President Volodomyr Zelensky na matatalo sa giyera ang Ukraine laban sa Russia kapag hindi inaprubahan ng US Congress ang malaking military aid package sa gitna ng pinaigting pa na opensiba ng Russian forces sa frontline city.
Inamin ng Ukraine military na ang labanan sa frontline city ng Chasiv Yar ay mahirap at matindi subalit patuloy na lumalabas ang kanilang pwersa.
Sa gitna ng air atacks ng 2 panig, sinabi ng Russia na isa sa drone ng Ukraine ay tumama sa Zaporizhzhia nuclear plant na inokupa nito matapos ilunsad ang invasion noong Pebrero 24, 2022.
Tumindi din ang panawagan ng Ukraine sa US na simulan na ang pagpapadala ng $60 billion halaga ng military aid package na hinarang umano ng Republicans sa Kongreso ng ilang buwan.
Ayon kay Zelensky mahalagang maipaabot sa Kongreso ng US na kapag hindi nito tinulungan ang Ukraine, matatalo ito sa giyera.
Mahirap aniyang makasurvive ang kanilang bansa nang walang tulong at ibinabala pa na kapag ang Ukraine ay natalo, ang ibang estado naman ang susunod aniyang aatakehin.










