-- Advertisements --
image 401

Ikinokonsidera ng Ukraine ang paggamit ng newly-tested wartime Black Sea export corridor para sa grain shipments nito, matapos sumunod ang ibang mga cargo ship sa unang matagumpay na paglikas ng isang barko sa ruta noong nakaraang linggo, ayon yan sa isang senior agricultural official.

Matatandaan na hinarang ng Russia ang mga daungan ng Ukrainian mula nang salakayin nito ang Ukraine noong Pebrero 2022 at nagbanta na ituring ang lahat ng mga sasakyang pandagat bilang mga potential military targets matapos na ihinto ang UN-backed safe passage deal noong nakaraanng buwan.

Bilang tugon, inihayag ng Ukraine ang isang humanitarian corridor sa kanlurang baybayin ng dagat malapit sa Romania at Bulgaria.

Isang container ship naman na may bandila ng Hong Kong ang natigil sa daungan ng Odesa mula noong pagsalakay sa ruta noong nakaraang linggo.

Ayon kay Denys Marchuk, deputy head ng Agrarian Council, pinakamalaking organisasyon ng agribusiness ng Ukraine, isang commercial vessel lamang ang dumaan sa ngayon, at ito ay nagpakita ng kahandaan na lumakbay sa alternative routes.

Dagdag pa dito, dapat aniya ay magkaroon pa ng higit 7-8 ships, pagkatapos ay marahil sa hinaharap ang mga alternatibong ruta na ito ay maging isang koridor para sa paglalakbay ng mga barko na may mga kargamento ng butil at mga oilseed.