-- Advertisements --

Inihahanda na ang Ukraine ang unang pagbiyahe ng kanilang mga trigo mula ng lusubin sila ng Russia.

Ayon kay President Volodymyr Zelensky, na hinihintay lamang nila ang go-signal mula sa pantalan.

Personal din na binisita ng Ukrainian President ang port of Chornomorks matapos na pangunahan ng United Nation ang pagpapatuloy ng pag-angkat ng kanilang produkto.

Magugunitang nagdulot ng malawakang krisis sa pagkain ganun din ang pagtaas ng presyo ng bilihin mula ng harangan ng Russia ang mga pantalan ng Ukraine.