-- Advertisements --

Todo ang paghahanda na ginawa ng Ukraine ngayong araw ng Linggo para sa kanilang “relentless defense” sa Kyiv dahil sa posibleng pagpapalibot ng mga sundalo ng Russia sa capital city kasunod nang paglunsad ng air strike sa isang military base sa labas ng lungsod ng Lviv, malapit sa Polish border.

Sa isang video message, sinabi ni President Volodymyr Zelensky na hindi kakayanin ng mga Russians na makuha ng lubusan ang Ukraine.

Nabatid mula sa mga local officials na walong missiles ang pinakawalan ng Russian forces sa isang military training ground malapit sa Lviv, na isang hub para sa joint exercises sa pagitan ng Ukrainian soldiers at NATO allies.

Ayon kay Maxim Kozitsky, head ng Lviv regional administration, wala pa silang impormasyon sa kung may nasawi sa naturang airstrike.

Isang convoy ng humanitarian aid patungong Mariupol ang hinarang sa Russian checkpoint, pero inaasahan na makakarating na rin ito ngayong araw. (Agence France-Presse)