-- Advertisements --
Nanawagan si Ukrainian Foreign Minister Dmytro Kuleba European Union na dapat tuluyang pagbawalan sa merkado ang langis ng Russia.
Isinagawa nito ang panawagan sa pakikipagpulong niya kay EU top diplomat Josep Borrell.
Dagdag pa nito na ito na dapat ang isunod na hakbang ng EU.
Una kasi binatikos ng foreign minister ng EU dahil sa bigo nitong pagbawal sa mga pag-angkat ng mga langis ng Russia.
Napag-usapan din ng dalawang opisyal ang pagsasagawa ng evacuations ng mga naapektuhan dahil sa paglusob ng Russia sa Ukraine.










