-- Advertisements --

Naglunsad ang Ukraine soccer club ng $25 milyon aid project para sa mga sundalo ng Mariupol at pamilya nila.

Ayon kay Ukraine soccer club Shakhtar Donetsk president Rinat Akhmetov na naglaan siya ng nabanggit na halaga para sa mga sundalo at kaanak nila dahil sa pagtatanggol nila sa bansa.

Dagdag pa nito na hindi matatawaran ang kanilang sakripisyo para maipagtanggol ang Ukraine laban sa pananakop ng Russia.

Ang nasabing proyekto na tinawag na Heart of Azovstal project ay inilunsad matapos na maisapinal nila ang kasunduan kay Mykhailo Mudryk na sumali sa Chelsea Football Club ng English Premier league.

Dahil sa nasabing kasunduan ng kanilang 22-anyos na manlalaro ay makakatanggap sila ng $75-M at dagdag na $35-M bilang bonus payment.

Si Mudyrk ay nakapagtala ng tatlong goals para sa Shakhtar sa Champions League group kahit na sila ay eliminated na.