-- Advertisements --

Plano ng Ukraine na ipanawagan ang pagtiwalag sa Russia bilang permanenteng miyembro ng United Nations Security Council.

Ayon kay Ukrainian foreign minister Dmytro Kuleba, bukas ang kanilang opisyal na ihahayag ang kanilang posisyon.

Kinuwestyon din nito kung nararapat pa ba na manatili ang Russia na may veto power bilang permanent member ng un security at sa UN sa kabuuan.

Isa lamang ang Russia sa limang permanenteng miyembro ng UN security council na may veto power kabilang ang US, Britian, France at China na kayang harangan ang anumang reolusyon.

Sa ngayon ayon kay Kuleba na hindi pa napag-uusapan ng mga lider ng estado at gobyerno ang naturang mga isyu.

Ang makapangyarihang konseho ay binubuo ng 15 miyembro na inatasang talakayin ang pandaigdigang krisis sa pamamagitan ng sanctions,
pagootirisado ng military action at pag-apruba sa mga pagbabago sa UN charter.