-- Advertisements --

Nagkausap sa telepono si Ukrainian President Volodymyr Zelensky at German Chancellor Olaf Scholz.

Sinabi ng Ukrainian president na isa sa kanilang tinalakay ay ang pagpapatibay ng defense support at ang pagtiyak sa global food security.

Kabilang din na tinalakay ng dalawang opisyal ang panghikayat sa European Union na i-pressure ang Russia para hindi na lumala pa ang giiyera.

Magugunitang noong Abril ay nagbigay ng anti-aircraft tanks ang German at noong nakaraang linggo rin ay nagbigay ng pitong self-propelled howitzers.